LtGen. Parlade, hindi aalis sa pwesto bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC kahit na pinasisibak na ng Senado

Hindi magbibitiw sa pwesto si Lieutenant General Antonio Parlade Jr. bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Parlade, walang problema sa kanya ang rekomendasyon ng Senado na sibakin na siya bilang tagapagsalita ng Anti-Insurgency Task Force ng gobyerno.

Pero tinawag niyang ‘very good’ dahil mas mapapadali na raw ang kanyang trabaho kapag tuluyang naalis sa pwesto.


Pero giit niya ang Executive Branch umano ang dapat magpasya sa usapin na ito at hindi ang Senado.

Matatandaang sa report ng Senate Committee on Defense sa kanilang pagiimbestiga sa umano’y red-tagging na ginagawa ng mga opisyal ng militar, inaaprubahan ang rekomendasyong pagtanggal kay Parlade sa NTF-ELCAC dahil ang kanyang designation ay isang paglabag sa Konstitusyon.

Batay kasi sa Article 16, Section 5, Paragraph 4 ng Saligang Batas, na walang sinumang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aktibo sa serbisyo ang maaring italaga sa isang civilian position sa pamahalaan.

Facebook Comments