Nagsanib-puwersa ang Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at komyuter sa rehiyon uno ngayong Semana Santa.
Nagsagawa ng sabayang operasyon ang iba’t ibang tanggapan ng LTO sa mga terminal at pangunahing kalsada sa rehiyon.
Kabilang dito ang inspeksyon ng mga pampasaherong sasakyan, beripikasyon ng lisensya ng mga driver at konduktor, at pagsuri ng mga dokumento upang matiyak ang roadworthiness at pagsunod sa batas-trapiko.
Pinatibay din ang roadside inspections at terminal monitoring sa pakikipagtulungan sa PNP.
Naglagay rin ng help desks upang tumulong sa mga biyahero at namahagi ng information materials hinggil sa road safety at responsableng pagmamaneho.
Sa ulat, nanatiling normal ang daloy ng trapiko at bilang ng mga pasahero, at walang naitalang malalaking paglabag o insidente sa panahon ng operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










