LTO, balik operasyon na sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ

Magbubukas na muli ang mga opisina ng Land Transportation Office (LTO) simula ngayong araw, May 13 sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Payo ng LTO sa publiko, sundin ang public health at safety protocols na ipapatupad nila para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus.

Magiging mandatory ang pagsusuot ng face masks sa loob ng kanilang mga tanggapan at mahigpit na ipapatupad ang physical distancing.


Ang mga transaksyon sa mga may edad 21-taong gulang pababa at 60-taong gulang pataas, kasama ang mga buntis ay papayagan lamang kabag binawi na ang community quarantine.

Facebook Comments