LTO BAYAMBANG, MAGKAKAROON NG PLATE CARAVAN SA BASISTA

Magsasagawa ang LTO Bayambang District Office ng Plate Caravan sa Basista sa darating na Nobyembre 8–9, 2025 bilang paghahanda sa pagpapatupad ng “No Plate, No Travel Policy.”

Magsisimula ito mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Mas mapadadali ng nasabing caravan ang pamimigay ng mga plaka sa mga motorista sa Region 1.

Maaari nang kunin ng mga may-ari ng sasakyan ang kanilang mga plaka mula taong 2014 hanggang 2017 sa pinakamalapit na LTO District Office sa kanilang lugar.

Samantala, ang mga may sasakyang 2018 hanggang kasalukuyan ay inaanyayahang makipag-ugnayan sa kani-kanilang dealer upang makuha ang kanilang plaka.

Libre ang nasabing serbisyo at walang bayad.

Dagdag pa rito, ipinaalala ng LTO na ang mga 7-digit na plaka ay papalitan na ng bagong puting plaka.

Facebook Comments