LTO, bukas sa mungkahi ng Kongreso na pagtatatak sa ORCR ng mga may-ari ng sasakyan

Pag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt (OR) Certificate of Registration (CR) ng mga may-ari ng sasakyan bilang patunay na pinalawig ang validity ng kanilang lisensya.

Naniniwala si Agri Party-list Representative Wilbert Lee na sa pamamagitan nito ay malaking kabawasan ito sa gastusin ito sa panig ng LTO.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, kinakailangang maging handa ang ahensya sa sandaling hindi bawiin ng korte ang naunang kautusan nito na pumipigil sa pamamahagi ng mga plastic license card.


Tiwala naman si Mendoza na mawawala rin ang inilabas na TRO at matutugunan na rin nito ang mga backlog na pangunahing prayoridad ng ahensya.

Matatandaang ipinahinto pansamantala ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 sa LTO ang pamamahagi ng mga lisensya mula sa nanalong bidder na Banner Plasticard Inc.

Inaasahang matatapos ang TRO sa loob ng 20 araw o hanggang Miyerkules, September 6,2023.

Facebook Comments