LTO, bukas sa panukalang special plates para sa e-vehicle

Bukas ang Land Transportation Office (LTO) sa panukala ng kongreso na lumikha ng special plates para sa mga e-vehicle sa bansa.

Sinabi ni LTO Chief Vigo Mendoza na kaniyang ikokonsulta ang panukalang batas kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, kung saan kailangan atasan ang LTO na gumawa ng special plates para sa mga e-vehicle na layuning humikayat sa mga mamamayan na magmay-ari nito bilang proteksyon sa kalikasan.

May ilang car dealers na rin kasi ang nagsimula nang magbenta ng mga hybrid na sasaktan at isa sa mga pribilehiyo sa pagkakaroon nito ay ang exemption sa number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Dagdag pa ni Mendoza na ang panukalang batas ay hindi lamang makapagpapadali sa mga traffic enforcer na tukuyin ang e-vehicles kung hindi magbibigay karangalan din ito sa mga may-ari dahil sa kanilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan.

Pero sa ngayon, ang pagresolba muna sa backlog at unclaimed plates, ang kailangan munang tutukan ng ahensiya.

Facebook Comments