LTO Cainta Extension Office, pansamantalang suspendido ang operasyon dahil sa epekto ng Bagyong Carina

Pansamantalang suspindido ang operasyon ng Land Transportation Office (LTO) Cainta Extension Office matapos na maapektuhan ng Bagyong Carina at habagat.

Ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, lubhang naapektuhan ng mga pagbaha ang kanilang tanggapan sa Cainta matapos manalasa ang Bagyong Carina noong July 24.

Batay sa report ni LTO-Calabarzon Regional Director Elmer Decena, 80% ng mga equipment ang nasira ng baha habang 90% ng mga records for disposal ang nalubog sa tubig.


Nasira rin ang mga computers na ginagamit sa examinations habang 20% ng mga files in sa extension office ang nalubog din sa baha.

Inatasan din ni Mendoza ang LTO-Calabarzon na humanap ng pansamantalang opisina ng Cainta Extension Office kung saan maaaring ilipat ang mga naisalbang equipment at iba pang dokumento.

Inatasan din ng opisyal ang kanilang mga satellite at extension offices na malapit sa Cainta na i-accommodate muna ang mga kliyente mula sa kalapit na bayan hanggang tuluyang magbalik normal ang operasyon ang naturang extension.

Facebook Comments