LTO-Caraga regional director, arestado dahil sa pagtanggap ng suhol

Nahuli sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang retiradong opisyal ng PNP at ngayon ay regional director ng Land Transportation Office (LTO) sa Butuan City matapos umanong tamangap ng suhol.

Sa ulat na nakarating kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang nahuling suspek ay kinilalang si Joel Consulta.

Batay sa ulat ng PNP-CIDG Regional Field Office 13, nakuha mula sa suspek ang sobre na may nakalagay na Shiloh Apra Technical School Inc. at mark money na nagkakahalaga ng P16,700.


Nakuha rin sa suspek ang sobre na may nakasulat na Fast Truck Driving School na may lamang mahigit P32,000; hiwalay pang P50,300 sa kanyang bulsa at mahigit P100,000 na pera.

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11032 o Revised Anti-Red Tape Act at paglabag sa RA 2019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Facebook Comments