Nakahandang humarap sa Senado si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.
Ito’y matapos hilingin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang isang imbestigasyon sa Senate Blue Ribbon Committee.
Kaugnay ito sa sinita ng Commission on Audit (COA) na umanoy “undue payments” sa ilang IT provider.
Sa kaniyang Senate Resolution No. 147, binanggit ni Pimentel ang report ng (COA) report na nagpapakitang nagbayad nang hindi karapat-dapat ang LTO sa dayuhang IT provider na Dermalog sa kabila nang kulang ang turnover deliverables sa ₱3.19-billion Road IT Infrastructure project.
Ayon kay Gadiz, kaisa niya ang mga senador sa pagnanais na magkaroon ng transparency sa mga institusyon ng gobyerno sa paggugol ng kaban ng bayan.
Tiniyak naman ni Guadiz na handang makipagtulungan ang tanggapan ng LTO sa COA upang linawin ang mga isyu.