LTO, determinadong ganap na ipatupad ang speed limiter sa mga pampublikong sasakyan

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ganap ng speed limiter sa mga pampublikong sasakyan o Public Utility Vehicles (PUVs).

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, taong 2016 pa nang isabatas ang Road Speed Limiter Act, pero hindi pa puspusan ang pagpapatupad dito.

Aniya, layon ng batas na isulong ang mas ligtas na paglalakbay para sa mga pasahero.


Gayundin, para itaas ang pamantayan ng kaligtasan sa mga pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Ang batas ay ipinatupad bilang bahagi ng interbensyon ng pamahalaan sa mga aksidente sa kalsada.

Batay sa datos ng World Health Organization, nasa 1.3 milyong indibidwal ang namamatay sa mga aksidente sa kalsada sa buong mundo habang nasa pagitan ng 20 milyon hanggang 50 milyon ang nasusugatan.

Facebook Comments