LTO Dir. Guinto, humingi ng paumanhin sa binitiwang pahayag sa mga magulang na nahihirapang makasunod sa Child Car Seat Law

Humingi na ng paumanhin si Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) Director Clarence Guinto sa binitawan niyang pahayag sa mga magulang na nahihirapang makasunod sa Child Car Seat Law.

Nauna rito, sinabi ni Guinto na “pag malaki ang mga anak mo, lakihan mo sasakyan mo.”

Sa isang statement, sinabi ni Guinto na nagkamali siya na magbiro sa halip na maglinaw sa katanungan.


Humihingi siya ng paumanhin sa nilikha nitong kalituhan sa publiko.

Nilinaw ni Guinto na kung ang bata ay may taas na 4″11, ito ay exempted sa paggamit ng child car seat.

Kinakailangan na lang itong magsuot ng seat belt bilang proteksyon.

Facebook Comments