Hindi na muna papatawan ng multa ng Land Transportation Office (LTO) ng multa ang late registration at renewal ng driver’s license ng mga motorista bilang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inaprubahan na ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang kanilang rekomendasyon para sa pag-waive ng mga multa.
Sakop nito ang mga sasakyang dapat magparehistro ngayong October 2024 at mga lisensyang mag-e-expire mula October 21 hanggang 31, 2024.
Pinalawig din ang bisa ng mga ito hanggang November 8, 2024.
Ani Mendoza, magiging nationwide ang saklaw ng pag-waive ng mga multa dahil halos buong bansa ang naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments