LTO, iginiit na di-na kailangang sumagot sa SC kaugnay ng mga petisyon kontra NCAP

Hindi na umano kailangang magbigay pa ng komento sa Korte Suprema ng Land Transportation Office (LTO).

Ito’y kaugnay sa inihaing petisyon ang 4 na transport groups na humihiling na pigilan ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na ipatupad ang No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na kasama sila sa mga petitioner kontra NCAP sa SC at nakapaloob na roon ang kanilang paliwanag.


Nauna nang nanindigan ang LTO na mananatiling suspindido ang NCAP.

Sa halip, inatasan ni LTO Chief Atty. Teofilo Guadiz III ang mga lokal na pamahalaan gaya ng Maynila , Quezon City, Parañaque City, Valenzuela City at Muntinlupa City na makipag-usap sa Metropolitan Manila Development Authority upang ayusin ang guidelines ng NCAP.

Kung makita aniyang epektibo ang NCAP para sa kapakinabangan ng publiko lalo na ng mga motorista ay mainam na magkaroon ng pare-parehong alituntunin ang naturang mga LGUs.

Facebook Comments