Dismayado ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) makaraang matuklasang umakyat sa P37 bilyon ang nawawalang kita ng ahensiya.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II, nadiskubre nila sa kanilang pag-aaral na aabot sa 65 porsyento ng mga may-ari ng sasakyan ang hindi nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan
Paliwanag pa ni Mendoza na mahigpit na nitong ipinag-utos sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang No Registration, No Travel Policy upang mapilitan o maobliga ang mga may-ari ng sasakyan na iparehistro ang kanilang motor vehicles.
Base sa talaan ng LTO, aabot sa 24.7 million na mga sasakyan ang hindi nairerehistro o sadyang hindi nagparehistro ng sasaktan sa LTO.
Ang naturang bilang ay mula ito sa kabuuang 38.3 million na mga sasakyan sa buong bansa o katumbas ng 13.3 million lang ang nakarehistrong mga sasakyan.