LTO ipapatawag ang lalaking nasa ‘edited’ driver’s license ID

Screenshot via Facebook/Pinoy History

Ipapatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang lalaking nasa viral photo ng isang edited driver’s license ID.

Ayon sa pamunuan, nagsagawa sila ng imbestigasyon tungkol sa umano’y reklamo ni Victor Paul Icuspit sa mabilis ngunit problemadong proseso ng driver’s license renewal ID.

Kamakailan, ipinost nito ang ibinigay na ID at mapapansin distorted ang mukha niya.  Mapapansin sa larawan na lumapad at lumaki ang mukha at labi ng netizen.


“Kudos sa LTO sa sobrang bilis na process nila ang license renewal ngayon, pero paki-ayos lang po sana ang camera ninyo!”, mensahe ni Icuspit.

Lumabas sa pagsisiyasat, hindi totoo ang pinaparatang ng lalaki at binura agad ang malisyosong post.

Paglilinaw ni Icuspit sa isang social media user, inedit niya lang ito sa pamamagitan ng Photo Warp application.

“Hello. Hindi po siya totoo. Edited po siya. Gumamit ako ng APP na PHOTO WARP. Meron lang po akong ginayang post din. Humihingi po ako ng tawad sa inyong lahat,” ayon kay Icuspit.

Pakiusap ng LTO sa publiko, huwag i-reshare ang maling post at may kaukulang parusa sa sinuman nais mag-tamper ng kanilang legal documents katulad ng ID.

Narito ang kabuuang pahayag ng LTO ukol sa insidente:

Sa ngayon, wala pang reaksyon inilalabas si Icuspit kaugnay sa gagawing hakbang ng LTO laban sa kanya.

Facebook Comments