Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng sports utility vehicle na nagparada ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa harap ng La Salle Greenhills sa Mandaluyong City.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, ipinag-utos na niya ang imbestigasyon sa naturang insidente matapos matanggap ang sulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pumansin sa maling asal ng driver.
Tiniyak ni Mendoza na paiiralin ang due process at pagpapaliwangin ang driver kung bakit hindi dapat bawiin ang kaniyang driver’s license.
Batay sa sulat ng MMDA sa LTO, iniwan ng driver ang SUV sa gitna ng kalsada at pumasok sa paaralan na nagresulta naman sa pagbigat ng daloy ng trapiko noong August 16.
Facebook Comments