LTO, ipauubaya sa publiko kung itutuloy ang nakaplanong biyahe sa gitna ng banta ng Bagyong Paeng

Ipapaubaya ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Guadiz sa pagpapasya ng publiko kung itutuloy ang kanilang nakaplanong biyahe.

Nauna nang pinasuspinde ng LTO Region 5 ang land travel sa mga lugar na may nakataas na storm signal para hindi sila ma-stranded o maipit ng bagyo.

Tiniyak naman ni Guadiz na nakahanda ang LTO sa pagdagsa ng mga bibiyahe sa gitna ng banta ng Bagyong Paeng.


Ani Guadiz, noong Lunes ay naka-deploy na ang LTO law enforcement at mobile units para magbigay ng assistance at mag-inspeksyon sa road worthiness ng mga PUB/PUV hindi lang sa National Capital Region (NCR) kundi sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Facebook Comments