LTO, ipinabubuwag ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hiniling ni Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na buwagin na lamang ang Land Transportation Office o LTO at papanagutin ang mga taga Motor Vehicle Inspection Service.

Ito ay bunsod na rin ng aksidente sa may Batasan-San Mateo road na sakop ng distrito ni Castelo na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng sampung iba pa.

Giit ni Castelo, paulit-ulit na lamang ang ganitong aksidente dahil sa kapabayaan ng LTO sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga sasakyan.


Tinawag ng kongresista na `useless agency` ang LTO at ang MVIS sa ilalim nito dahil sa kapabayaan at korapsyon.

Sa ilalim ng MVIS ay dapat iniinspeksyong mabuti ang road worthiness ng mga bumabyaheng sasakyan lalo na ang mga heavy trucks at nag-iingat sa pag-iisyu ng lisensya.

Noong 2015 lamang, sa 779 fatal accidents sa mga lansangan, 129 dito o 20% ng mga aksidente ay sangkot ang mga heavy trucks na siyang dapat tutukan ng ahensya.

Facebook Comments