Naglabas na ng kautusan ang Land Transportation Office (LTO) na nagpapatigil sa private Motor Vehicle Inspection System (MVIS) bilang requirement sa pagpaprehistro ng sasakyan.
Sa memorandum na inisyu ng LTO, ang mandatory vehicle testing sa private motor vehicle inspection centers ay hindi na itutuloy.
Ibig sabihin, ang mga motorista ay pwede nang pumili sa pagitan ng bagong sistema o lumang sistema, na nangangailangan lamangn g visual inspection at emission test.
Binawasan din ang inspection fees para sa PMVICs at ipinantay ito sa kasalukuyang sinisingil sa emission testing.
Mula sa ₱1,500 hanggang ₱1,800 na inspection fees na sinisingil sa PMVICs, ang halaga ay ibinaba sa ₱300 para sa vehicles for hire, ₱500 para sa motorsiklo, at ₱600 para sa iba pang covered vehicles.