Ikinokonsidera ng Land Transportation Office (LTO) na ‘reckless driving’ ang hindi pagsusuot ng face masks habang nagmamaneho.
Ayon kay LTO Law Enforcement Service Acting Director Clarence Guinto, hindi maaaring magmaneho na walang suot na face mask lalo na kung may kasama sa loob ng sasakyan.
Inaangkop din nila ang penalty ng hindi pagsusuot ng face mask sa reckless driving.
Sa ngayon, nagsasagawa ang LTO ng malawakang information dissemination para sa kanyang mga guidelines patungkol sa “new normal” policy.
Noong May 2020, naglabas ang LTO ng Memorandum Circular No. 2020-2185 kung saan inilatag ang sanitary requirements para sa mga pampubliko at pribadong sasakyan kabilang ang mandatory na pagsusuot ng face masks.
Sa ilalim ng circular, ang hindi pagsuot ng face masks ay reckless driving para sa private at public utility vehicle drivers na may multang 2,000 pesos sa first offense, 3,000 pesos sa second offense at 10,000 pesos sa mga susunod na paglabag.