LTO, itinangging tatapusin na ang kontarata sa paggamit ng Land Transportation Management System

Itinanggi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na tatapusin na nila ang kontrata ng operasyon ng Land Transportation Management System.

Ayon kay Asec. Mendoza, nakatutok sila ngayon sa mga hamon ng ahensya sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Tinukoy ni Mendoza ang gagawing full shift patungong digitalization sa lahat ng transactions sa ahensya mula sa pagpapalabas ng driver’s license hanggang sa motor vehicle registration.


Umabot na ngayon sa 97% ang utilization rate ng LTO mula sa 70% mula nang magsimula siyang manungkulan noong Hulyo.

Facebook Comments