Nakatakdang ilunsad sa San Fernando City, La Union ang LTO-LGU Interconnectivity Project na nagpaigting sa traffic management ng lungsod.
Sa ilalim ng naturang proyekto, magkakaroon ng real-time uploading sa database ng LTO ang mga mahuhuling lumalabag sa batas trapiko sa lungsod.
Binigyang-diin ng LTO na kinakailangang magpatupad ng ordinansa ukol sa road safety ang lokal na pamahalaan bago ito maisakatuparan.
Ang lungsod ng San Fernando ang pilot city sa pagpapatupad ng proyekto sa buong Region 1 bilang isang pangunahing ruta ng mga motorista patungo sa ibang bahagi ng Northern Luzon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments