
Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na limitado ang suplay ng security papers na ginagamit sa pag-iisyu ng certificate of registration.
Sanhi umano ito ng pagkaantala ng delivery ng security paper mula sa National Printing Office (NPO).
Kaugnay nito, naglabas ang LTO ng guidelines para sa gagawin nilang pag-iisyu ng Temporary Certificates of Registration para sa nagpaparehistro ng mga motor vehicles, mga motorsiklo at trailers .
Gumagawa na umano ng hakbang ang LTO para maresolba ang isyu.
Nagpalabas na rin ng Memorandum Circular ang ahensya para sa pag-iisyu ng temporary CRs upang masigurong hindi mahihinto ang paghahatid ng serbisyo sa publiko at mapanatili ang operational continuity.
Facebook Comments










