LTO, magde-deploy ng mga tauhan para umalalay sa mga kalahok sa FIBA World Cup

Magpapakalat ng mga tauhan ang Land Transportation Office (LTO) upang magpatupad ng road security at assistance para sa mga motorista bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Ayon Kay Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, kabilang sa lalatagan ng mga LTO personnel ay ang mga daan patungo sa tatlong main venues ng prestihiyosong basketball event.

Kabilang dito ang Araneta Coliseum sa Quezon City, Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, at ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kung saan gaganapin ang opening ceremony sa August 25.


Kabilang sa i-de-deploy ay mga patrol vehicles, motorcycle patrols, at 41 law enforcers.

Facebook Comments