Maglalabas na ng resolusyon ang Land Transportation Office (LTO) ang resolusyon laban sa drayber at may-ari ng pulang sports car na pumasok sa EDSA bus lane.
Matapos itong hindi humarap sa pagpapatawag ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa ikalawang pagkakataon ngayong araw.
Ayon kay Renan Melitante, pinuno ng LTO-IID, kanilang irerekomenda kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III ang 90 araw na suspensyon ng lisensya ng drayber ng pulang Ferrari.
Bukod dito, isasailalim din sa alarma ang sasakyan.
Ibig sabihin, hindi ito maaaring makapag-renew ng rehistro ng sasakyan hangga’t hindi lumulutang upang magpaliwanag sa ginawang mga paglabag.
Naniniwala naman si Asec. Guadiz na nabigyan ng due process o pagkakataon na makapagpaliwanag at dumipensa ang drayber at may-ari ng pulang Ferrari.
Aniya, magdedesisyon ang LTO batay sa mga ebidensya.