Kinastigo ni Sen. Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa gitna ng kawalan nito ng pormal na memorandum ukol sa pananatiling opsiyonal at hindi mandatory ng pag-iinspeksyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).
Sa pagdinig ng Senado ay binigyang-diin ni Poe, napaka-unprofessional at nagbunsod lang iyon ng kalituhan at kaguluhan sa mga motorista sa iba’t-ibang rehiyon.
Dahil dito ay nangako ang LTO na maglalabas ng opisyal na memorandum para linawin sa publiko na suspendido pa rin ang mandatory vehicle inspection sa PMVICs.
Paliwanag ni Assistant Secretary Edgar Galvante, totoo na noong una ay naglabas sila ng panuntunan para sa mandatory PMVICs pero binawi nila alinsunod sa direktiba ni DOTr Secretary Arthur Tugade.