LTO, maglalagay ng “self-renewal kiosk” sa mga mall

Manila, Philippines – aglalagay na ang Land Transportation Office (LTO) ng mga “self-renewal kiosk” sa iba’t-ibang malls sa bansa para mas mapadali ang pagre-renew ng lisensiya ng mga motorista.

Ayon kay Farrah Mangadang, OIC mid record ng LTO, mismong ang mga motorista na ang magpoproseso sa pag-renew ng kanilang mga lisensya gamit ang self-renewal kiosk”.

Gayunman, hindi naman aniya aalisin ng LTO ang mano-manong pagre-renew ng lisensiya.


Paliwanag ni Mangadang, ipadadala ng LTO ang lisensiya sa pamamagitan ng courier service sa rehistradong address ng motorista.

Kung nagtitipid naman aniya ay maaari personal na i-claim ang lisensiya sa tanggapan ng LTO.

Facebook Comments