LTO, makikipag-ugnayan na sa DILG para sa paghuli sa mga e-bikes at e-trikes simula Disyembre 1

Susulat na ang Land Transportation Office (LTO) sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa paghuli sa mga motoristang magmamaneho ng e-bikes o e-trikes sa national highways simula Disyembre 1.

Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, hihingi sila ng tulong sa DILG para maipaalam sa mga Local Government Unit (LGU) ang nasabing polisiya.

Sa ngayon, plano na ng LTO na maglabas ng admininstrative order para sa pagpaparehistro ng e-vehicles.

Una rito, iginiit ni Lacanilao na tuloy ang gagawing panghuhuli ng Land Transportation Office (LTO) sa mga e-bikes at e-trikes at ang mga mahuhuli at diretso impound.

Simula sa Lunes, asahan na aniya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng polisiya sa lahat ng national highways kabilang ang EDSA, MacArthur Highway at A Bonifacio.

Pero sa secondary roads, hindi muna manghuhuli ang LTO dahil magpapatupad muna sila ng limang araw na information drive.

Facebook Comments