LTO, maninita pa rin ng mga pasaway na nagmamaneho ng e-bike sa kabila ng pagpapaliban ng panghuhuli kahapon

Nilinaw ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Markus Lacanilao na walang mangyayaring hulihan ng mga e-bike na dumaraan sa mga national road.

Sa kabila ng pagpapaliban sa panghuhuli sa mga ito na dapat magsisimula kahapon, Disyembre 1.

Giit ni Lacanilao na ipinagbabawal pa rin ng ahensya ang pagpapatakbo ng mga e-bike sa national highways.

Pero aniya hindi nila ito huhulihin bagkus sasawayin lamang ng kanilang mga enforcers.

Samantala, nilinaw rin ng LTO chief na pupwedeng dumaan sa mga bike lanes ang mga e-bike basta kasya ito sa itinakdang laki sa naturang linya partikular na rito yung nga two-wheeled e-bikes.

Habang klinaro rin niya na pupwedeng tumawid ang mga e-bike sa mga national highway at ang tanging bawal lamang ay tuloy-tuloy na binabagtas ng mga malalaking kalsada.

Facebook Comments