LTO, may Plan B sakaling harangin ng korte ang pag-imprenta ng nanalong bidder sa mga driver’s license

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na target nilang ikonsidera ang pagpapatuloy na pag-iimprenta ng de papel at paglalagay ng mark sa mga expired na driver’s license.

Ito ang magiging Plan B ng ahensya sakaling hindi pahayagan o harangin ng korte ang pag-iimprenta ng driver’s license ng nanalong bidder.

Ayon sa LTO sakaling mangyari ito ay magkakaroon na naman ng delay sa pag-iimprenta ng mga driver’s license.


Una rito ay naglabas ng temporary restraining order ang Quezon City Regional Trial Court matapos na umapela ang natalong bidder sa plastic card.

Kinuwestiyon nito ang naging pagpili ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO) sa nanalong bidder.

Nakatakda naman ang pagdinig ng korte sa Agosto 22 ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments