LTO: Mga nahuling unregistered vehicle sa buwan ng Hunyo, abot na sa higit 10-K

Umabot sa 10,461 motor vehicles ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa sa buwan lamang ng Hunyo ngayong taon.

Alinsunod ito sa pinaigting na kampanya ng LTO laban sa mga hindi rehistradong sasakyan o itinuturing na mga colorum.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, karamihan sa mga nahuli ay mga motorcycle na abot sa 6,824; sunod ang mga tricycles na 1,787; private vans 954; private sedans na abot sa 451 at mga truck na abot sa 230 ang bilang.


Sinabi ni Mendoza na sa kabuuang bilang na 10,461 motor vehicles na nahuli, 9,212 dito ang naisyuhan ng traffic violation tickets habang ang 1,601 motor vehicles ay na-impound.

Ilan sa mga na-impound na sasakyan ay mga pampublikong sasakyan na hindi naisyuhan ng permit ng LTO.

Una nang ipinag-utos ni Mendoza sa Regional Directors na kailangan ng utos ng korte para ma-release ang mga sasakyan na mahuhuli at ma-impound sa anti-colorum drive.

Facebook Comments