Nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office o LTO sa ilang bus terminals sa Maynila ngayong bisperas ng Undas.
Ayon kay LTO Tayuman Chief Al Villanueva, partikular na inikot nila ang ilang bus terminals sa Recto Avenue.
Layon nito na matiyak na nasa maayos na kundisyon ang mga bus na bibiyahe, para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Kasama sa mga ininspeksyon ay ang mga gulong ng mga bus, Sinuri rin ang mga seatbelt, mga bintana at pintuan ng mga bus, gayundin ang aircon ng mga airconditioned bus.
Patuloy naman ang pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t-ibang terminal sa Maynila, at inaasahan ang mas malaking volume nito ngayong hapon hanggang mamayang gabi.
Facebook Comments