LTO, nag-isyu ng Show Cause Order laban sa driver ng Joanna Jesh Transport bus na nag-viral

4491

Nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa driver ng Joanna Jesh Transport bus na nag-viral sa video dahil sa pagsagasa sa mga plastic barrier sa EDSA.

Ang video ay nahagip ng dashcam ng isang private car owner.


Sa SCO, pinagpapaliwanag si Nolan de Villa kung bakit hindi siya dapat tanggalan ng professional driver’s license.

Nagresulta sa pagkamatay ng isang I-ACT enforcer ang naturang insidente.

Habang tumatakbo ang imbestigasyon, sinuspinde muna ang lisensya ni De Villa sa loob ng 90 days.

Pormal namang tinanggap ng Joanna Jesh Transport ang kopya ng SCO.




Facebook Comments