
Pinadalhan na ng showcase order ng Land Transportation Office (LTO) ang survivor na rider na nag-Superman stunt sa Marilaque Highway.
Pinagpapaliwanag ito ng LTO kung bakit hindi dapat kasuhan ng reckless driving.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, tahasang paglabag sa batas trapiko ang ginawang stunt ng rider kung saan nasawi ang kapwa rider nito na nag-ala Superman din habang anim na iba pa ang nasugatan.
Kailangan aniyang pumunta sa LTO Central Office ang rider sa loob ng limang araw para ipaliwanag kung bakit hindi ito dapat kasuhan at bawiin ang lisensiya nito.
Sakaling hindi dumating at magpaliwanag ang nasabing rider, dedesisyunan na ng LTO ang naturang kaso base sa mga hawak nitong ebidensya.
Facebook Comments