LTO, nagbabala sa mga motorista na iisnabin ang mga manghuhuli sa mga dadaan sa EDSA Bus Lane

Nagbabala si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II sa mga motorista na masususpinde ang kanilang drivers’ license kapag tinakbuhan ang traffic enforcers na naninita sa mga hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Bus Lane.

Ginawa ni Mendoza ang babala kasunod ng unang araw ng implementasyon ng pinataas na penalty laban sa mga traffic violator.

Ani Mendoza, marami na silang natatanggap na sumbong tungkol sa hindi magandang asal ng mga motorista lalo na ang motorcycle riders na tinatakasan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA traffic enforcers kapag sinisita.


Hindi aniya katanggap-tanggap ang ganitong gawain at maliwanag na pambabastos sa batas at sa mga uniformed traffic enforcers.

Nakikipag-ugnayan na si Mendoza kay MMDA Chairman Armando Artes para palawakin ang saklaw ng aksyon ng LTO laban sa mga motorista na pasaway sa EDSA Bus Lane.

Facebook Comments