LTO, nagbabala sa mga motorista na mag ingat sa mga text scammer tungkol sa traffic violations

Pinayuhan ng Land Transportation Office o LTO ang lahat ng mga motorista na balewalain ang lahat ng mga text message at iba pang mga notification na ipinapadala sa kanila sa pamamagitan ng messaging apps ng umano’y traffic violations mula sa ahensya.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, lahat umano ay online scams na nakadisenyo upang magnakaw ng mga impormasyon mula sa gusto nilang bibiktimahin kabilang ang bank at e-wallet information na maging daan para matangay ang pera ng biktima.

Paliwanag ni Mendoza, marami na umano silang natatanggap ng ganitong modus operandi kaya’t binalaan nila ang mga motorista na huwag pansinin ang naturang mga mensahe para maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa online scammers.


Pinaalalahanan ng LTO ang kanilang mga kliyente na huwag magbigay ng anumang detalye o click ang link lalong-lalo na ang kanilang mga license plate at iba pang mga personal information.

Facebook Comments