LTO nagbabala sa mga motorista na ‘wag gawing trip-trip ang pagmamaneho

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Land Transpiration Office (LTO) sa mga motorista na huwag mang trip o magyabang habang nagmamaneho ng kahit anong uri ng sasakyan.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang lalaki na nakaupo sa passenger side na hindi nakasuot ng seatbelt at naninigarilyo pa.

Ayon sa LTO, delikado ang ginawa ng driver na si Miko Lopez, hindi lang sa kanya, hindi lang sa pasahero pati na rin sa ibang motorista at pedestrian.


Walang makakapagsabi kung kailan mangyayari ang aksidente kaya at huwag itong gawing biro at huwag na ring magmaneho kung magyayabang lang.

Kakasuhan si Miko Lopez ng reckless driving, illegal modification not wearing seatbelt at improper person to operate a motor vehicle.

Posibleng hindi na magkalinsensya si Miko Lopez dahil sa kanyang ginawa.

Facebook Comments