LTO, nagbigay ng driver’s education para sa mga tagapagmaneho ng mga school service bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Nagbigay ng driver’s education ang Land Transportation Office (LTO) sa mga driver ng mga school service bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Kabilang sa ibinigay ng seminar ay patungkol sa Road Safety at Defensive Driving.

Sumama rin sa isinagawang seminar ang mga operatiba ng Inter Agency Council for Traffic o I-ACT.


Ipinaalala ng LTO sa drivers na maging magalang sa mga estudyanteng tumatangkilik sa school services.

Sumailalim din sa drug testing ang drivers sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang masigurong hindi gumagamit ang mga ito ng iligal na droga habang nagmamaneho.

Nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa drivers sa kahalagahan ng pagiging maingat sa pagmamaneho, pagsunod sa batas trapiko, pagrespeto sa lahat ng road users, gayundin ang pagiging mabuting halimbawa sa mga estudyante lalo na sa pagsunod sa batas trapiko at paggamit ng vehicle safety devices tulad ng seatbelt.

Facebook Comments