Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Office (LTO) ng iba pang pasilidad para mapabilis ang produksyon ng motocycle plates.
Nabatid na nasa ₱2.5 billion ang kailangang pondo ng ahensya para makapagpagawa ng 18 milyong bagong plaka ng motorsiklo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, naipamahagi na sa iba’t ibang rehiyon ang nasa tatlong milyong motorcycle plates.
Aminado si Galvante na limitado pa rin ang kapasidad ng kanilang planta.
Kasama rin sa inaasahang produksyon ang dual plate ng mga motorsiklo.
Facebook Comments