LTO, nagkasa ng anti-truck overloading operation at random drug test sa mga driver

Nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng anti-truck overloading operation at random drug test sa mga driver sa Karuhatan, Valenzuela at Katipunan Avenue sa Quezon City.

Katuwang ng LTO sa operasyon ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Apat ang naitalang nagpositibo sa iligal na droga kung saan tig-dalawa sa Valenzuela at Quezon City.


Ang mga nasabing driver ay kinumpiska ang mga lisensya at inaresto dahil sa paglabag sa RA 10586 o driving under the influence of dangerous drugs.

Hindi naman bababa sa 50 trucks ang nahuli dahil sa overloading.

Nauna na ring nagkasa ng random drug testing sa mga driver at konduktor ang LTO sa Araneta Center Bus Station sa ilalim ng programang “Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga”.

Umaabot sa 94 ang sumalang sa pagsusuri kung saan dalawang driver ang nagpositibo sa iligal na droga.

Facebook Comments