LTO, naglabas ng show cause order laban sa vlogger na sadyang pumasok sa SLEX kahit bawal ang kaniyang motorsiklo

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang vlogger na pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX).

Mahigpit na ipinagbabawal ang mga motorsiklo na may kapasidad na mababa sa 400cc na pumasok sa expressway.

Sa kaniyang vlog, ipinagmamalaki ng rider na susubukan niyang pumasok sa expressway.


Matapos malaman ang insidente, agad na nag-utos si LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ng imbestigasyon na humantong sa pag-isyu ng show cause order.

Ayon kay Asec. Mendoza, ang ginawa ng vlogger ay hindi lamang iresponsable kundi mapanganib din dahil maaaring magdulot ito ng kapahamakan hindi lamang sa kanyang buhay kundi pati na rin sa ibang motorista.

Sa show cause order, kinilala ang rider na taga-Quezon City at ang kaniyang motorsiklo ay Kawasaki 250 na may Plate No. 428-UDE

Inatasan din ang rider na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division, Law Enforcement Service sa September 16 at dalhin ang lahat ng dokumento ng kanyang motorsiklo.

Facebook Comments