LTO, naglabas ng subpoena laban sa driver at may-ari ng mga sasakyang sangkot sa viral video ng road rage sa Rizal

Iimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari at drayber na nasangkot sa viral video ng kanilang alitan sa gitna ng trapiko sa Felix Avenue, sa Cainta, Rizal.

Ipinapatawag ng LTO Intelligence and Investigation Division sa Pebrero 22, alas-2:00 ng hapon ang mga may-ari at driver ng motorsiklo at L-300 van sa LTO Central Office.

Ayon kay LTO-IID Officer-in-Charge Renan Melitante, partikular na aalamin sa pagdinig ang pinagmulan ng alitan at posibilidad na may mapanagot kung may matutukoy na paglabag sa batas-trapiko.


Ibinabala ni Melitante na sakaling di makasipot ang mga ito ay maglalabas na ang LTO ng desisyon kaakibat ang karampatang parusang ipapataw sa mga ito.

Facebook Comments