LTO, nagpaalala sa mga motoristang bibiyahe para maiwasan ang aksidente

Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na huwag uminom ng alak bago magmaneho kasunod ng mga Christmas party at mga gimik kasama ang mga barkada.

Sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, para sa mga magmamanehong uuwi pagkatapos ng Christmas party ay huwag nang magbabad sa inuman para masiguro ang kanilang kaligtasan at makauwi sa kanilang mga pamilya nang ligtas.

Ayon kay Mendoza, maliban kasi sa kahaharaping kasong paglabag sa Republic Act No. 10586 o “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013” kapag sila ay nahuli, mas nakakatakot umanong maaksidente ang mga ito na posibleng ikasugat o ikamatay ng mga ito.


Facebook Comments