Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na huwag nang hintayin ang huling araw ng extension ng renewal of motor vehicle registration.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, importanteng maiwasang dagsain ang kanilang mga tanggapan sa gitna ng health crisis.
“Ayaw nating dagsain nila ang registration office kung hihintayin nila ‘yung last day. Ang pakiusap lang namin ay sana wag sila maghintay ng last day to renew the registration of their vehicles,” ani Galvante.
Sinabi ni Galvante, ang motor vehicle registration validity ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 6, 7, at 8 ay pinalawig hanggang September 30, 2020.
Ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 9 ay valid hanggang October 31, 2020 habang ang 0 ay mayroon hanggang November 30, 2020 para i-renew ang kanilang registration.
Walang penalty at surcharge ang ikokolekta para sa renewal transactions sa loob revised schedule.