
Nagpalabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order sa driver ng Ferrari convertible matapos kunan ng video ang sarili habang nagmamaneho.
Kasabay nito, ipinag-utos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na patawan ng 90-days suspension ang lisensya nito.
Makikita kasi sa naturang video na habang kinukunan ang sarili habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap pa ito sa kamera at inaalis ang tingin sa kalsada.
Dahil dito pinapaharap at pinagpapaliwanag sa LTO Head Office ang driver upang sumailalim sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division.
Bukod dito, pinagsusumite din ang driver ng beripikadong komento at pertinenteng orihinal na dokumento ng sasakyan nito.
Mahararap ang driver sa kasong Reckless Driving at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.









