LTO NAGUILIAN AT LINGAYEN, NAGTANGGAL NG LUMANG TALA PARA MAS MAPAAYOS ANG OPERASYON

Nagsagawa ng disposal o pagtatapon ng mga valueless records ang Land Transportation Office (LTO) Naguilian at Lingayen District Offices bilang hakbang upang mapabuti ang pamamahala ng rekord.

Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa Records Disposition Schedule (RDS) at sa mahigpit na koordinasyon kasama ang National Archives of the Philippines (NAP) at Commission on Audit (COA).

Tinitiyak nito na ang proseso ng disposal ay sumusunod sa itinakdang pamantayan at alituntunin ng pamahalaan.
Layon din ng disposal na mabawasan ang dami ng lumang dokumento na sumasakop sa espasyo at nakahahadlang sa maayos na pangangasiwa ng kasalukuyang mga rekord.

Facebook Comments