LTO, nakalikha na ng 1.7 milyon na plaka

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na tuloy-tuloy na ang kanilang pamamahagi ng plaka sa mga may-ari ng sasakyan.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, maaari nang makuha ang mga plaka para sa 4-wheel na sasakyan na nabili mula July 2016 hanggang Abril ng 2019.

Mas bumilis na ngayon ang produksyon ng plaka dahil sa nabiling plate making robot ng ahensya.


Sa ngayon ay kaya nang lumikha ng 700 na plaka kada oras.

Sa ngayon ay nasa mahigit 1.7 million na plaka na ang nagagawa ng LTO.

Para sa NCR, Region 3 at 4A ay may available na plaka hanggang Setyembre habang sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay may nakahanda ng mga plaka hanggang Disyembre 2019.

Facebook Comments