Umapela ang Land Transportation Office o LTO sa lahat ng mga motorista na makipag-coordinate sa ahensya kung ibebenta o magpapalit sila ng mga sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, layon nito na maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang kaso ng serious traffic accidents o criminal activities.
Gaya na lamang ng nangyari sa kaso ng fatal road rage sa Makati City kamakailan kung saan inisyuhan ng show cause order ang isang dayuhan na sinasabing driver ng Mercedes Benz.
Paliwanag pa ni Mendoza na ang pangalan na lalabas sa registration data ng motor vehicle ay palaging ipinapalagay na may-ari at driver nito kaya’t anumang imbestigasyon at pananagutan ay naka-address sa kaniya.
Facebook Comments