
Nanindigan ang Land Transportation Office (LTO) na may sapat na basehan ang reckless driving violation sa anak ng transport blogger na si James Deakin.
Ito’y matapos tumawid sa double solid lane na nagdulot ng trapiko sa Skyway noong December 18.
Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, napag-alaman din ng ahensiya na hindi rehistrado ang ginamit na sasakyan ni Deakin, katumbas nito ang reckless driving.
Dahil dito, nag-isyu na ang LTO ng show cause order sa dealer para pagpaliwanagin kung bakit pinayagang ilabas ang sasakyan nang walang kumpletong dokumento.
Dagdag ni Lacanilao, binigyan nila ang anak ni Deakin ng limang araw para i-contest ang paglabag pero bigo itong naghain ng apela.
Facebook Comments










