LTO, nilinaw ang parusa sa CEO ng ride-hailing app kasunod ng naging motorcade sa Rizal

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na 90 araw na suspensiyon ng lisensiya ang ipinataw nila sa CEO ng ride-hailing app na Angkas na si George Royeca.

Ito ay matapos ang naging abalang ginawa ng mga rider ng ride-hailing app sa Cainta, Rizal kamakailan.

Sinabi ng LTO na lumabag ang mga ito sa no left turn sign sa naging “unity motorcade” nila sa Marilaque Highway.


Sa ngayon ay isinuko na ni Royeca ang kaniyang lisensiya sa LTO para akuin ang responsibilidad.

Una nang napaulat na ni-revoke ang lisensiya ni Royeca.

Samantala, iniimbestigahan na rin ng LTO ang iba pang Angkas riders sa naging partisipasyon nila sa motorcade.

Kaugnay niyan, nangako ang pamunuan na susunod sila sa tamang proseso kasabay ng pagpapahayag ng paggalang sa magiging desisyon ng ahensiya.

Facebook Comments